Thursday 27 August 2015






Seryosong bagay ang pambu-bully. ISA ka bang biktima ng bullying noong nag-aaral ka pa?  O baka ang isa mong mahal sa buhay ang ngayon ay nakararanas ng pambu-bully habang nasa eskwela?
Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magpatupad ng polisiya laban sa pambu-bully sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Naipasa na sa committee level ng House of Representatives ang anti-bullying bill samantalang nakabinbin pa rin ang Senate Bill 413 na isinusulong ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Sa ilalim ng consolidated bill na House Bill 5248, tinutukoy nito ang bullying na serye ng mga aksyon ng isang menor de edad laban sa kapwa niya menor sa loob ng paaralan.
Inisa-isa rin ng panukala ang mga aksyon na maituturing na pambu-bully, at ang mga ito ay ang sumusunod: pananakot, stalking, pagnanakaw, pamamahiya, malisyosong alegasyon, pambibintang na nakakapanira sa integridad, paninira ng pag-aari ng isa pang estudyante, pananakit sa kapwa mag-aaral na nagreresulta sa pagkasugat may gamit man o walang sandata  kagaya ng pambubugbog, paghampas, pagsuntok, pagsipa, pagbato, pagsapak, panunulak at iba pang kaha-lintupad na bagay, at pamimilit ng sexual favor, pangingikil, o pagkuha sa mga bagay na pag-aari ng isang estudyante.
Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado na magpatupad ng polisiya para matigil ang bullying sa mga eskwelahan kagaya ng mga sumusunod: magkaroon ng proseso para masolusyunan ang bullying sa mga paaralan, pinapayagan ang mga bata na magsumbong sa mga guro o mga opisyal ng paaralan hinggil sa insidente ng bullying na hindi binabanggit ang kanyang pagkakakilanlan, pinapayagan ang mga magulang o guardian ng isang estudante na maghain ng sumbong hinggil sa bullying.
Inaatasan ang mga guro o iba pang empleyado ng paaralan na nakakita ng insidente ng bullying na ipaalam kaagad ito sa opisyal ng paaralan;
Inaatasan ang opisyal ng paaralan na imbestigahan ang sumbong hinggil sa bullying.
Umaasta silang nakatataas—pero insecure sila.“Kumikilos ang mga kabataang bully na parang nakatataas sila, pero madalas ginagawa lang nila iyon para itago ang kanilang nasaktang damdamin at ang nadarama nilang kawalang-kakayahan,” ang sabi ni Barbara Coloroso sa kaniyang aklat na The Bully, the Bullied, and the Bystander. Mga mapag-isa. May mga kabataan na nahihirapang makipag-ugnayan sa iba, kaya ibinubukod nila ang kanilang sarili at madaling nagiging target ng mga bully.
Mga kabataang itinuturing na kakaiba. Ang ilang kabataan ay binu-bully dahil sa kanilang hitsura, lahi, relihiyon, o kapansanan pa nga—anumang bagay na puwedeng pag-initan ng isang bully.

Mga kabataang walang kumpiyansa sa sarili.Nahahalata ng bully kung sino ang mababa ang tingin sa sarili. Sila ang madalas binibiktima dahil malamang na hindi sila lalaban. Huwag mag-react. “Gustong makita ng mga bully na naaapektuhan ka sa ginagawa nila,” ang sabi ng kabataang babae na si Kylie. “Kung hindi ka magre-react, mawawalan sila ng gana.”

Gumawa ng kaukulang aksyon para masolusyunan ang naturang bullying na insidente. Narito ang mga halimbawa na pwede mong gawin kung nabu-bully ka.
Sinasabi ng Bibliya: “Siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.”—Kawikaan 29:11.
Huwag gumanti. Hindi maaayos ang problema kung gaganti ka—lalala lang iyon. Sinasabi ng Bibliya: “Huwag gumanti kaninuman ng masama para sa masama.”—Roma 12:17; Kawikaan 24:19.
Huwag lumapit sa mga bully. Hangga’t posible, iwasan ang mga bully at ang mga sitwasyon kung saan puwede kang ma-bully.—Kawikaan 22:3.
Sumagot sa paraang di-inaasahan ng nambu-bully.Sinasabi ng Bibliya: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.”—Kawikaan 15:1.
Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. “Nahahalata ng mga bully kung ninenerbiyos ka,” ang sabi ng kabataang si Rita, “at puwedeng samantalahin nila iyon para sirain ang natitira mo pang kumpiyansa.”
Magsumbong. Ayon sa isang surbey, mahigit kalahati ng mga nabu-bully online ay hindi nagrereport nito, marahil dahil sa hiya (lalo na para sa mga lalaki) o takot na gantihan sila. Pero tandaan, gusto ng mga bully na hindi sila isinusumbong. Baka ang pagsusumbong ang unang hakbang para mahinto ang problema.





2 comments:

  1. Free Play | Play With ScratchcardCasino
    Play 제왕 카지노 the best online casino games, 바카라 사이트 from scratchcards and real money games to multi-coloured casino slots. 카지노 Play and win. Play Now!

    ReplyDelete
  2. The Casino Site: Get £30 in free chips when you play
    The casino is a luckyclub great spot for both new and existing players. Our team of experts offer a large selection of casino games

    ReplyDelete